Huwebes, Nobyembre 18, 2010

can you please shut up?

Kaibigan ka ng kaibigan ko, pero hindi tayo magkaibigan. Magkakilala lang naman tayo, ‘di ba? Pero ba’t ganyan ka umasta? Wala ka namang alam eh, at wala ka ring pakialam sa buhay ko. Ni hindi mo nga alam kung anong pinagdadaanan ko…

Sino ka nga ba? Nagulat ka noh? Pasensya ka na ah, prangka lang talaga akong tao. Bakit ka satsat ng satsat dyan at kung anu-ano pang balita ang pinagsasasabi mo sa iba? May alam ka ba? Sa totoo nga, wala kang karapatang magsalita ng tungkol sa akin, dahil hindi kita pinahintulutang sabihin ‘yon? Hindi mo ba nakikita ‘yang sarili mo? Sa tingin mo, mas malala ba ako sa ‘yo? Pwede bang tumahimik ka? Masyado kang careless…

Alam mo ba kung anong ginawa mo sa akin? Nagkakalat ka ng balitang hindi mo naman nakumpirma. Hindi mo ba nakikita kung anong ginagawa ng mga kaibigan ko? Pinoprotektahan nila ako. Eh kayo? Pare-parehas lang kayo. Ang galing niyo manghusga. Uulitin ko lang ha, WALA KAYONG ALAM. At gusto ko ring ipaalam sa iyo na matagal ko ng tinapakan ang pride ko, at hindi ko na hahayaan pang tapakan pa ng iba ‘yon, lalong-lalo na ang mga taong wala namang alam katulad mo. Anong pinagmamalaki mo? Na nariyan ka pa rin? Wala akong pakialam sa iyo. At kung pwede lang din sana, ‘wag na ‘wag mo na rin akong pakikialamanan.

Hindi mo na nga siguro ako makikita. Pero tandaan mo, maaari ko pa ring malaman kung anong ginagawa mo, at maaari ko ring malaman kung anong ginagawa mo laban sa akin. Hindi ako masamang tao, masama lang talaga akong magalit. Huwag mo na sanag ulitin pa ‘yon…

Lunes, Nobyembre 8, 2010

tapakan mo na ako wag lang ang pride ko

nagpanting ang pandinig ko...

aii...hindi lang pala ako.pati ung kasama natin.

wala naman akong magagawa kung ayaw mo.hindi mo ba naintindihan na biro lamang yon?walang pumipilit sa iyo.wala.ikaw lang naman ang may hawak ng buhay mo eh.pakialam ba namin dyan?

pero yun nga.may pakialam kasi kami sa iyo.kaya nga inaalala ka namin.ikaw?inaalala mo rin ba kami?

alam kong marami kang problema...pero please naman.sana naiintindihan mo rin ang mga tao sa paligid mo.

may nasaktan ka.sino?ako.oo, nasaktan mo ako.sinong humingi ng tawad para sa iyo?yung isa pa nating kaibigan.alam mo kung anong sinabi niya?pagpasensyahan na lang daw kita.sabi ko, ok lang yon.naiintindihan ko.

naiintindihan ko naman talaga eh.tanggap ko.na loser ako.pero sana naman nag-ingat ka sa pananalita mo.maging sensitive ka.yan naman ang lagi kong sinasabi sa yo, hindi ba?

tinapakan ko na nga ang sarili kong pride eh.kaya naman sana wag na ninyong tapakan pa.malala na ako.alam ko.

im dying.wag nyo na akong patayin pa.

oo't buhay pa ako, pero hindi ang kaluluwa ko...

Miyerkules, Nobyembre 3, 2010

let me tell you what lies ahead

yeah right.here i am.clueless.confused.desperate.

where am i going???

is there a place for me?

i can fly.and i can tell you how i felt.i can even teach you.but you won't listen.

you won't believe.that.i.am.an.angel.

don't get me wrong...

i really am.
but i don't know.who am i.where am i.what can i do.how to come back.
in my real world.
to my haven.

Martes, Oktubre 12, 2010

help!!!

haixxtt...di na naubos ang exams...nakakasawa na...grabe!!!

finals.kaasar!!!ako lang naman ang estudyanteng di pinapalagpas ng final exams.bakit pa ba ako nagugulat?wala pa ring pinagbago...but i can't help it.sa tuwing malalaman ko na lang na magpa-finals ako,nagha-hyperventilate ako.can the world stop for just a minute?i need to breathe.haixxtt...

kasi naman eh.it's my fault.lagi na lang akong dumaraan sa turning point.naka-ilang turning points na kaya ako?di ko na mabilang.sana matapos na ang october.kahit di ko na ma-enjoy ang nilu-look forward kong halloween ok lang.basta matapos lang itong october.sana mag-2nd sem na!!!i can't wait to start another day.

oh God please help me.