Lunes, Nobyembre 8, 2010

tapakan mo na ako wag lang ang pride ko

nagpanting ang pandinig ko...

aii...hindi lang pala ako.pati ung kasama natin.

wala naman akong magagawa kung ayaw mo.hindi mo ba naintindihan na biro lamang yon?walang pumipilit sa iyo.wala.ikaw lang naman ang may hawak ng buhay mo eh.pakialam ba namin dyan?

pero yun nga.may pakialam kasi kami sa iyo.kaya nga inaalala ka namin.ikaw?inaalala mo rin ba kami?

alam kong marami kang problema...pero please naman.sana naiintindihan mo rin ang mga tao sa paligid mo.

may nasaktan ka.sino?ako.oo, nasaktan mo ako.sinong humingi ng tawad para sa iyo?yung isa pa nating kaibigan.alam mo kung anong sinabi niya?pagpasensyahan na lang daw kita.sabi ko, ok lang yon.naiintindihan ko.

naiintindihan ko naman talaga eh.tanggap ko.na loser ako.pero sana naman nag-ingat ka sa pananalita mo.maging sensitive ka.yan naman ang lagi kong sinasabi sa yo, hindi ba?

tinapakan ko na nga ang sarili kong pride eh.kaya naman sana wag na ninyong tapakan pa.malala na ako.alam ko.

im dying.wag nyo na akong patayin pa.

oo't buhay pa ako, pero hindi ang kaluluwa ko...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento