Huwebes, Nobyembre 18, 2010

can you please shut up?

Kaibigan ka ng kaibigan ko, pero hindi tayo magkaibigan. Magkakilala lang naman tayo, ‘di ba? Pero ba’t ganyan ka umasta? Wala ka namang alam eh, at wala ka ring pakialam sa buhay ko. Ni hindi mo nga alam kung anong pinagdadaanan ko…

Sino ka nga ba? Nagulat ka noh? Pasensya ka na ah, prangka lang talaga akong tao. Bakit ka satsat ng satsat dyan at kung anu-ano pang balita ang pinagsasasabi mo sa iba? May alam ka ba? Sa totoo nga, wala kang karapatang magsalita ng tungkol sa akin, dahil hindi kita pinahintulutang sabihin ‘yon? Hindi mo ba nakikita ‘yang sarili mo? Sa tingin mo, mas malala ba ako sa ‘yo? Pwede bang tumahimik ka? Masyado kang careless…

Alam mo ba kung anong ginawa mo sa akin? Nagkakalat ka ng balitang hindi mo naman nakumpirma. Hindi mo ba nakikita kung anong ginagawa ng mga kaibigan ko? Pinoprotektahan nila ako. Eh kayo? Pare-parehas lang kayo. Ang galing niyo manghusga. Uulitin ko lang ha, WALA KAYONG ALAM. At gusto ko ring ipaalam sa iyo na matagal ko ng tinapakan ang pride ko, at hindi ko na hahayaan pang tapakan pa ng iba ‘yon, lalong-lalo na ang mga taong wala namang alam katulad mo. Anong pinagmamalaki mo? Na nariyan ka pa rin? Wala akong pakialam sa iyo. At kung pwede lang din sana, ‘wag na ‘wag mo na rin akong pakikialamanan.

Hindi mo na nga siguro ako makikita. Pero tandaan mo, maaari ko pa ring malaman kung anong ginagawa mo, at maaari ko ring malaman kung anong ginagawa mo laban sa akin. Hindi ako masamang tao, masama lang talaga akong magalit. Huwag mo na sanag ulitin pa ‘yon…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento